The Pastoral Council - Santa Teresita Parish

Search
Go to content

Main menu:

The Pastoral Council

About Us
 
 
 



TUNGKULIN AT GAWAING PANG-INDIBIDWAL


KURA PAROKO

• Sumubaybay sa takbo ng lahat ng gawain ng parokya
• Sumabaybay at maglahad ng mga mungkahi para sa mga mahahalagang suliranin sa mga gawaing pampastoral
• Tumiyak sa mahusay na koordinasyon ng gawaing pampastoral,pagsamba,pang-organisasyon at pang-edukasyon
• Tumiyak sa pagkakaisa ng mga miyembro ng Munting Sambayanang Simbahan
• Tagapagpasigla ( animator ) ng mga namumuno sa parokya para sa pagsulong ng tungkulin at layunin nito.
• Tagapag-ugnay ng mga komite ng parokya at namumuno sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang grupo na kumikilos sa parokya upang mapahusay ang paggalang,pag-unawa at pagtutulungan sa isat-isa.
• May pananagutan sa lalong malawak na Sambayanang Kristyano
• Tagagabay sa Komiteng Pangpinansiya (Finance Committee)
• Tiyakin na ang Canon 528-530 ay nasusunod

KATUWANG NA KURA PAROKO

• Kahalili at Katuwang ng Kura Paroko sa mga gawaing Pang-pastoral (Sacraments and Ministry),Pang-organisasyon at Liturhikal na gawain
• Sumubaybay sa takbo ng lahat ng gawain ng parokya katuwang ang Kura Paroko
• Sumabaybay at maglahad ng mga mungkahi para sa mga mahahalagang suliranin sa mga gawaing pampastoral
• Tumiyak sa mahusay na koordinasyon ng gawaing pampastoral,pagsamba,pang-organisasyon at pang-edukasyon
• Tumiyak sa pagkakaisa ng mga miyembro ng Munting Sambayanang Simbahan
• Katulong ng Kura Paroko bilang tagapagpasigla ( co- animator ) ng mga namumuno sa parokya para sa pagsulong ng tungkulin at layunin nito.
• Tagapag-ugnay ng mga komite ng parokya at namumuno sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang grupo na kumikilos sa parokya upang mapahusay ang paggalang, pag-unawa at pagtutulungan sa isat-isa.
• May pananagutan sa lalong malawak na Sambayanang Kristyano
• Pangalawang taga-gabay sa Komiteng Pangpinansiya    
(Finance Committee)

PARISH LAY COORDINATOR

• Punong tagapagpaganap ng Pastoral Council at kabalikat ng Kura Paroko sa pangangasiwa ng parokya
• Tumulong sa pagtawag at pagpadaloy ng mga pagpupulong
• Manguna sa pagpapatupad ng batas, alituntunin at gawaing pamparokya
• Lumagda sa lahat ng nangangailangan ng kanyang lagda at gumanap ng iba pang tungkulin na nauukol sa Parish Lay Coordinator
• Kumakatawan sa loob at labas ng parokya sa mga usaping kaugnay ng kanyang tungkulin
• Tumugon sa mga kagyat na usaping pang-organisasyon sa mga panahon na wala ang Ama ng Parokya


KALIHIM

• Kumukuha ng mga katitikan ng mga pagpupulong at nagsisinop ng mga ito upang maging opisyal
• Nag-iingat ng lahat ng tala ng Asembliyang Pastoral at pagpupulong pampastoral
• Nagpapadala ng mga paanyaya para sa mga pagpupulong at gumaganap ng iba pang gawain na nauukol sa kanyang katungkulan
• Kaagapay ng Mangagawang Pastoral (Pastoral Worker) sa pagsasa-ayos, pagkokonsolida at pagsusuri sa lahat ng mga pangyayari at kaganapan sa MSS, komite at mga programa.

KOMITE NG PAGSAMBA
(WORSHIP COMMITTEE)

• Ito ang magbibigay ng paghahanda para sa makabuluhan at naaangkop sa panahon na mga pagdiriwang ukol sa pagsamba na nag-uugnay ng buhay at pananampalataya.


KOMITE SA PAG-AARAL
(EDUCATION COMMITTEE)

• Ito ang maghahanda ng mga programa na tutugon sa mga pangangailangan sa paghubog para sa ikauunlad ng mga kasapi ng MSS at ng parokya. Kasama rito ang mga kawaning pastoral na may kasanayan sa pagbibigay ng mga pag-aaral. Ito ang maghahanda ng mga programa sa pag-aaral at paghubog

KOMITE SA PANLIPUNANG SERBISYO
         (SOCIAL SERVICES)

• Ito ang namamahala at nag-uugnay ng mga programa sa paglilingkod na tumutugon sa mga pangangailangan sa komunidad at MSS sa usaping pangkalusugan,pangkabuhayan at pangmangagawa.

KOMITE SA PANANALAPI
  (FINANCE COMMITTEE)

• Ito ang mag-aaral, magpa-plano at gagawa ng mga pamamaraan para makalikom ng pondo o pananalaping kinakailangan ng parokya para sa mga programa o proyektong at lokal na gawaing paglilingkod. Ito rin ang tumitingin, mangangalaga at magpa-plano sa pagpapaunlad ng bahay dalanginan, mga kagamitan at ari-arian ng simbahan

KOMITE NG MGA KABATAAN
       (YOUTH MINISTRY)

• Ito ang nagpaplano, nagbabalangkas at nagpapatupad ng mga programa at alituntuning pangkabataan ng parokya. Sila rin dapat ay nakapaloob sa MSS.

IBA PANG KOMITE AT PROGRAMA

• Habang dumarami at lumalawak ang pangangailangan ng mga mamamayan ng parokya, maaring magbuo ng bagong komite batay sa oryentasyon at layunin ng parokya.

ZONE COORDINATORS

o Ito ay binubuo ng mga panglokal na pamunuan na kinakatawan ng sona sa mga pulong at asembliya.

• Magsuri, magbuo at tumiyak ng mga plano para sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa sona batay sa mga patakaran at programang pinagtitibay ng Pamunuang Pastoral
• Magpatupad at tumiyak ng mga kinakailangang koordinasyon ng mga plano at programa sa kanyang sakop na sona at MSS
• Daluyan ng mga komunikasyon sa pagitan ng Pamunuang Pastoral at Sona
• Tumugon at lumutas ng mga kagyat na panloob na usapin
• Magparating sa Parokya at Pamunuang Pastoral ng mga usapin sa Sona at MSS na may pamparokyang epekto
• Magbuo at mamahala ng mga Munting Sambayanang Simbahan sa kanilang Sona
• Makipagtulungan at makipag-ugnayan sa lahat ng kasapi ng MSS, mga organisasyon at samahan sa usaping pagpapaunlad ng kanilang komunidad
• Maglahad ng buwanang pag-uulat tungkol sa pinansiya sa Finance Committee at Pamunuang Pastoral

CORE GROUP

• Magsusuri at magpa-plano ng kongkretong programa at gawain para sa mga programa ng parokya.
• Makikipag-ugnayan sa mga kasapi ng mga organisayon at sona para mapadaloy ang napagkasunduang gawain

RELIGIOUS AT MANDATED ORGANIZATIONS

Ang mga religious at mandated organizations sa parokya ay kinakailangang pumaloob sa Munting Sambayanang Simbahan, kumilala at makiisa sa oryentasyon, tunguhin at layunin ng parokya, makipagtulungan sa mga pagkilos, dumalo sa mga inilulunsad na mga pag-aaral at pumaloob sa anumang komite na nakikitang kaugnay sa kanilang mga gawain ng kabuuang parokya at sambayanang local
• Katungkulan nila ang magsagawa at magbigay ng pagtatasa at pag-uulat sa Kura Paroko
• Dapat magkaroon ng palagiang halalan batay sa kanilang oryentasyon at alituntunin.

PASTORAL TEAM

• Ang mga kawani ng pastoral ay binubuo ng Kura Paroko, mga relihiyoso na nagtatrabaho sa parokya (SMM) o mga seminaristang nasa esposure program at ang mangagawang pastoral (Pastoral Worker)

• Nagtatakda ng mga kakailanganing gabay sa larangan ng gawaing organisasyon at edukasyon kasama ang mga halal na mga lider sa nasabing larangan
• Tagapaghubog at nagbibigay ng tuloy-tuloy na pag-aaral para makapagsanay ng mga namumuno na makaka-agapay sa pagganap ng mga gawain ng parokya
• Tagagabay ng mga grupo,komite, programa at organisasyon ng parokya batay sa itinakda ng kanilang kasanayan
• Puspusang gumagabay at tumutulong sa pagpapatatag sa kanilang kasanayan

HALALAN NG PAMUNUAN

Ang halalan ng mga pamunuan ng Parish Pastoral Council ay isasabay sa taunang Asembliya ng Parokya.
1. Ang pamamaraan ng halalan ay open nomination o bukas ang pagpasok ng mga pangalan at sa pamamagitan ng lihim na balota o secret balloting o sa iba pang pamamaraan na mapagkakasunduan ng Asembliyang Pastoral ng Parokya.
2. Ang halalan ay pangangasiwaan ng isang komite sa Eleksyon na itinakda ng PPC o ang Mangagawang Pastoral at hindi kandidato sa anumang tungkulin.
3. Ang tumanggap ng pinakamataas na boto ang siyang mananalo sa anumang tungkulin
4. Kung sakaling patas ang bilang ng boto, uulitin muli ang botohan sa dalawang may pinakamataas na bilang ang boto

MGA DAPAT IHALAL

Parish Lay Coordinator
Kalihim
Opisyales ng mga mandated organizations at movements.
Zone Coordinators
Area Coordinators
Family Representative


 
Back to content | Back to main menu